跳到主要內容區塊
:::

活動快報

起始活動日期:2023/09/11
發佈日期:2023/09/11類別:最新訊息
活動訊息:Pagpapatatag ng Kaalaman ng mga Employer at Migranteng Manggagawa Ukol sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon

內容:

▎Pagpapatatag ng Kaalaman ng mga Employer at Migranteng Manggagawa Ukol sa Proteksyon ng Personal na Impormasyon

Alamin ang 4 na Key Points

1.Mga angkop na hakbang upang maprotektahan at maiwasang manakaw, mabago, masira, o ma-leak ang personal na impormasyon.

Ang isang kumpanyang may aktibidad kung saan ang pagbahagi ng impormasyon ng 3 empleyado ay may kapalit na isang katangi-tanging regalo. Si M, isang migranteng manggagawa, ay nagbahagi ng impormasyon ng kanyang 3 kaibigang migranteng manggagawa at nang dahil dito ay natatawagan sila ng kumpanya upang makapag-promote sa telepono.

2.Ang pagkalap, pagproseso, o paggamit ng personal na impormasyon ay dapat sumunod sa pamamaraan na nakasaad sa Personal Information Protection Act.

Ang isang migranteng manggagawa na nangangalaga ng pamilya ay ibino-broadcast ang kanyang pang-araw-araw na pangangalaga ng isang lola.

※ Ang mga larawan ay personal na impormasyon. Kung ikaw ay nag-broadcast ng live at kumuha ng litrato nang walang pahintulot at ibinahagi ito sa Internet, ito ay isang paglabag sa Personal Information Protection Act.

3.Ang mga domestic workers, employers, at mga miyembro ng pamilya ay dapat magkasundo nang pasalita o nakasulat ukol sa mga obligasyong kalakip ng pagiging kumpidensyal ng personal na impormasyon.

Ang domestic worker ng isang sikat na Internet celebrity ay ibinahagi sa media ang sakit ng anak ng celebrity na ito.

4.Sa oras na tanggihan ang pagtanggap ng anumang promosyon, ang ahensiyang hindi bahagi ng gobyerno ay dapat na tigilan ang paggamit ng personal na impormasyon ng naturang taong ito upang mag-promote.

Ang migranteng manggagawa na si W ay nakatanggap ng promosyon mula sa isang telecommunication na kumpanya upang magbenta ng mga prepaid card. Tumanggi ito sa naturang promosyon ngunit patuloy na kinokontak ng kumpanya si W upang mag-promote.