跳到主要內容區塊
:::

活動快報

起始活動日期:2023/08/01
發佈日期:2023/08/01類別:最新訊息
活動訊息:Mahusay na Komunikasyon at Pakikipag-usap, Magandang Channel para sa mga Pulong ng Labor at Management

內容:

▍Mahusay na Komunikasyon at Pakikipag-usap, Magandang Channel para sa mga Pulong ng Labor at Management

1 Ano ang Labor-Management Committee?

Ang labor-management committee ay isang channel sa loob ng mga kumpanya na nagbibigay ng oportunidad sa mga manggagawa na makilahok sa pamamahala nito. Ang pagtatag ng labor-management committee ay maaaring makatulong makamit ang layuning mapabuti ang relasyon ng mga manggagawa at ng management, mapalakas ang kanilang kooperasyon, at maiwasan ang anumang mga problema sa pagitan ng dalawang panig.

2 Kinakailangan ba ng kumpanyang magdaos 2 ng isang labor-management na meeting?

Ayon sa Labor Standards Law at ng Implementing Measure for LaborManagement Meetings, ang mga pampublikong institusyon ay dapat na magdaos ng mga labor-management na pagpupulong. Kung ang mga ito ay kasama sa mga business establishment na may 30 mahigit na manggagawa, kinakailangan nitong magdaos nang magkahiwalay. Kasama sa nabanggit na bilang ng mga manggagawa ang mga full-time, part-time, at mga dayuhang manggagawa na nagtatrabaho sa mga unit na ito.

3 Maaari ba akong maging kinatawan ng mga manggagawa?

Ang mga kinatawan sa mga labor-management meeting ay dapat na mahalal. Basta’t ang manggagawa ay 15 taong gulang pataas, sila ay maaaring bumoto at mahalal bilang kinatawan. Maliban dito, tuwing ang pampublikong institusyon ang magdaraos ng eleksyon para sa mga kinatawan, ang paraan ng pagdaraos nito ay dapat na bigyang pansin ang obligasyong masiguro ang pagiging kumpidensyal ng mga botante.

4 Ano ang mga garantiya sa pagiging isang kinatawan?

Ayon sa Artikulo 12 ng Implementing Measures for Labor-Management Meetings, ang mga employer ay dapat na magbigay ng isang holiday sa mga kinatawan upang makilahok sa mga labor-management meeting. Ang mga kinatawang ito ay hindi rin dapat matanggal o malipat ng trabaho, mabawasan ng sahod, o matrato nang hindi kanais-nais.

5 Gaano kadalas dinaraos ang mga labor-management meeting?

Ayon sa Artikulo 18 ng Implementing Measures for Labor-Management Meetings, ang mga pagpupulong na ito ay idaraos nang hindi bababa sa isang beses kada tatlong buwan. Maaari ring magdaos ng mga espesyal na meeting tuwing kinakailangan.