跳到主要內容區塊
:::

活動快報

起始活動日期:2023/09/06
發佈日期:2023/09/06類別:最新訊息
活動訊息:Huwag Maging Kasabwat ng mga Scammer

內容:

▎Huwag Maging Kasabwat ng mga Scammer

Munting Paalala Para sa mga Migranteng Manggagawa

Ang mga ARC, Pasaporte, Bank Account, at SIM Card ng Telepono Huwag ipagamit sa mga kababayan o sa ibang tao upang maiwasang masangkot at maging kasabwat ng mga scammer.

Ang pagpapahiram ng bank account ay mapapatawan ng pagkakabilanggo ng hindi lalagpas sa 3 taon at ng pagkakamulta ng hindi lagpas sa 1 milyong NTD.

Ang pagbenta ng SIM card ay maaaring mapatawan ng krimen ng panloloko at mabilanggo ng 1 hanggang 7 taon. Mayroon ding karagdagang multa ng hindi lagpas sa 1 milyong NTD.

Ang mga ito ay makakaapekto sa pagtatrabaho ng mga migranteng manggagawa sa Taiwan at ang kanilang karapatang makapasok muli sa bansa.

Sa oras na maghinalang may panlolokong nagaganap, maaaring tumawag sa 165 anti-fraud hotline o kaya sa 1955 upang kumonsulta at maprotektahan ang inyong mga karapatan.