活動快報
內容:
▍Paalala para sa mga Importanteng Dokumento at mga Account Huwag Ipagamit sa Iba
Munting Paalala Para sa mga Migranteng Manggagawa
Kapag babalik na ng bansa matapos magtrabaho sa Taiwan at hindi na kinakailangang gamitin ang mga bank account, inirerekomendang i-withdraw ang lahat ng nilalaman nito.
Mangyaring ingatan ang mga personal na dokumento at mga account. Siguruhing huwag basta-bastang ipagamit sa ibang tao upang maiwasan ang pagbenta o paggamit ng mga ito at maging kasabwat ng mga scammer.
Sa oras na maturing kasabwat, hindi lamang mahaharap sa mga kriminal na imbestigasyon at pananagutang sibil, ang inyong karapatang magtrabaho sa Taiwan ay maaapektuhan din!
Sa oras na maghinalang may panlolokong nagaganap, maaaring tumawag sa 165 anti-fraud hotline o kaya sa 1955 upang kumonsulta at maprotektahan ang inyong mga karapatan.