Paalala! Mga pekeng pautang, tunay na manloloko!-活動快報-外國人勞動權益網-勞動部勞動力發展署 跳到主要內容區塊
:::

活動快報

起始活動日期:2024/11/16
發佈日期:2024/11/16類別:最新訊息
活動訊息:Paalala! Mga pekeng pautang, tunay na manloloko!

內容:

▍Paalala! Mga pekeng pautang, tunay na manloloko!

Pamemeke ng Chunghwa Post Para Magbukas ng Credit Loan

Kamakailan, may isang grupo ng mga manloloko ang nagpapanggap na Chunghwa Post sa Internet. Nagkakalat ang mga ito ng mga pekeng balita tungkol sa mga iba’t ibang preferential loan at nagsasabing kailangang gumawa ng isang account upang matulungang mangutang. Ngunit sa katunayan ay ang account number o debit card ay mapalinlang na gagamitin bilang isang pekeng account. 

Pinapaalalahanan kayo na mayroon lamang home loan ang Chunghwa Post at wala itong anumang credit loan. Wala ring pangutang na serbisyo ang Chunghwa Post katulong ang mga institusyon ng gobyerno. Huwag magpalinlang.

Mga Pamamaraan sa Pagtugon

•Huwag magbigay at magpagamit sa ibang tao ng anumang dokumento, bank account, o debit card.

•Sumunod lamang sa mga ligal na pamamaraan upang mangutang mula sa mga bangko.

•Mangyaring suriin at kumparahin nang mabuti sa mga bangko ang mga impormasyon ukol sa mga preferential, mas mabilis, mababa o walang handling fee.

1955 24 oras na hotline para sa mga konsultasyon at proteksyon ng mga dayuhang manggagawa

165 Hotline laban sa mga panloloko