活動快報
內容:
▍Paalala!
Mga mapanlinlang na taktika. Stop, look, listen!
•Huwag ipagamit sa ibang tao ang sariling mga debit card.
•Huwag basta-bastang ibigay ang account number, password, personal na impormasyon, OTP o SMS verification code sa ibang tao.
•Huwag mag-click ng mga hindi kilalang mensahe, pekeng notipikasyon, email link, at magpasok ng mga kaugnay na impormasyon.
•Ang mga manloloko ay mamemeke ng mga caller ID upang makuha ang tiwala ng mga tao. Mangyaring mag-ingat.
•Huwag gumawa ng anumang transaksyon base sa mga utos ng mga hindi kilalang tao. Ang mga kaugnay na transaksyong ito ay magbabawas ng pera mula sa inyong bank account at hindi para madagdagan ito. Wala rin itong kakayahang maglipat ng pera papasok ng bank account.
•Ang paggamit ng mga ATM upang maglipat ng pera ay limitado lamang sa naturang transaksyon. Hindi ito kailanman maaaring magkaroon ng mga “installment” o “monthly transfer”. Huwag magpalinlang.
•Ang mga manloloko ay mamemeke ng mga resibo ng deposito at remittance. Mangyaring kumpirmahin kung ang pera ay aktwal na nadeposito sa bank account upang maiwasang malinlang.
1955 24 oras na hotline para sa mga konsultasyon at proteksyon ng mga dayuhang manggagawa
165 Hotline laban sa mga panloloko