活動快報
內容:
▍Paalala! Mga pekeng email address, tunay na manloloko!
Pamemeke ng mga Email Address ng Chunghwa Post
Kamakailan, may isang grupo ng mga manloloko ang nagpapadala ng mga email na nagpapanggap bilang Chunghwa Post. Nagsasabi itong may problema sa pagproseso ng email at nililinlang nito ang mga tao na i-click ang isang website upang manakaw ang inyong mga personal na impormasyon. Inaapelahan ang publiko na maging maingat at huwag magpalinlang. Pinaaalalahanan ng Chunghwa Post na hindi kailanman aabisuhan ang mga tao na mag-click ng link upang magbayad ng selyo gamit ang email.
Mga Pamamaraan sa Pagtugon
•Huwag basta-bastang mag-click ng mga hindi kilalang website.
•Sa oras na mamataan ng publiko ang kahinahinalang website, mangyaring suriin muna ang pangalan ng website kung ito ba ay tama (post.gov.tw) upang malaman kung tunay ito.
•Huwag mag-click nga mga link o mag-type ng mga credit card o personal na impormasyon upang hindi maloko.
•Kung may pagdududa, maaaring tumawag sa customer service hotline 0800-700-365 (para sa cellphone, mangyaring tumawag sa may bayad na phone number: 04-2354-2030), o tumawag sa 165 hotline laban sa mga panloloko.
1955 24 oras na hotline para sa mga konsultasyon at proteksyon ng mga dayuhang manggagawa
165 Hotline laban sa mga panloloko