活動快報
內容:
▍Paano Mag-Aplay para sa mga Benepisyo ng Labor Occupational Accident Insurance?
Kung ang migranteng manggagawa ay maaksidente o magkasakit nang dahil sa trabaho, siya ay maaaring mag-aplay para sa Labor Occupational Accident Insurance mula sa Bureau of Labor Insurance:
•Benepisyong Medikal:Kung ma-ospital nang dahil sa aksidente o sakit nang dahil sa trabaho, maaaring bawasan ang parte ng mga bayaring medikal.
•Benepisyo sa Aksidente at Sakit:Subsidiya sa suweldo kung maaksidente o magkasakit nang dahil sa trabaho at hindi makapasok
•Benepisyo sa Kapansanan:Kung magkaroon ng kapansanan dulot ng aksidente o sakit nang dahil sa trabaho, maaaring kumuha ng mga benepisyo para sa mga may kapansanan.
•Benepisyo sa Kamatayan:Kung ang aksidente o sakit nang dahil sa trabaho ay naging dulot ng kamatayan, ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring kumuha ng benepisyo sa kamatayan.
•Benepisyo sa mga Nawawalang Tao:Kung nawala nang dahil sa trabaho, maaaring kumuha ang mga miyembro ng pamilya ng benepisyo para sa mga nawawalang tao.
Para sa mga detalye ng kwalipikasyon sa aplikasyon, mga kinakailangang dokumento, at ibang mga kaugnay na impormasyon, maaaring tumungo sa website ng Direct Hiring Service Center o tumawag sa toll-free hotline 0800-665800 na nagbibigay ng mga serbisyo sa konsultasyon at tulong sa 4 na magkakaibang wika.
Pinagmulan: Bureau of Labor Insurance, Ministry of Labor