跳到主要內容區塊
:::

活動快報

起始活動日期:2025/12/31
發佈日期:2025/12/31類別:最新訊息
活動訊息:Ang Programa para sa Transnational na pagpapaunlad ng manggagawa ay ipapatupad simula sa Jan 1, 2026. Pagpapabuti ng sistema para sa mga dayuhang skilled workers, Pagpapataas ng sahod sa sektor ng pagmamanupaktura at pagdaragdag ng quota para sa mga migranteng manggagawa.

內容:

Pamagat sa Chinese: Ang Programa para sa Transnation na pag papaunlad ng manggagawa ay ipapatupad simula sa Jan 1, 2026. Pagpapabuti ng sistema para sa mga dayuhang skilled workers, Pagpapataas ng sahod sa sektor ng pagmamanupaktura at pagdaragdag ng quota para sa mga migranteng manggagawa.Nilalaman: Upang matugunan ang mga hamon sa istruktura ng manggagawa na dulot ng pagbaba ng populasyon at pagtanda ng lipunan, isinusulong ng Ministry of Labor ang “Programang Transnational para sa pagpapaunland ng manggagawa” Magsisimula ang pagpapatupad ng mga kaugnay na batas at regulasyon simula Jan 1, 2026, sa pamamagitan ng mga hakbang tulad ng pagdagdag ng sahod ng mga lokal na manggagawa , pagpapalawak ng pinagmumulan ng mga dayuhang skilled worker na maaaring kunin mula sa iba’t ibang bansa, at pagbawas sa mga limitasyon sa pagpapanatili ng mga dayuhang manggagawa sa bansa. Layunin nitong tulungan ang mga kumpanya na patatagin ang istruktura ng kanilang manggagawa habang isinasaalang-alang ang paglago ng sahod at karapatan sa trabaho ng mga lokal na manggagawa.Pagbuo ng regulasyon para sa dayuhang skilled workers at malinaw na pamamahala ng sistemaSa paliwanag ng Ministry of Labor, sa kasalukuyan, alinsunod sa Artikulo 46, Talata 1, Punto 11 ng Employment Service Act, ang mga uri ng trabahong inaprubahan para sa mga dayuhang manggagawa ay kinabibilangan ng mga bilingual translator, kusinero at mga kaugnay na trabaho nito, mga trabahong teknikal sa antas ng mid-level, at mga serbisyong kabilang sa sektor ng turismo at akomodasyon.Ang kanilang mga kwalipikasyon sa trabaho, mga kinakailangan sa aplikasyon ng employer, pamamahala sa pagkuha ng manggagawa, pati na rin ang ratio ng alokasyon ay matagal nang ipinatutupad alinsunod sa karaniwang pamantayan sa pagsusuri at mga patakaran sa pamamahala para sa mga ganap na manggagawang blue-collar.Gayunpaman, ang mga dayuhang ito ay naiiba sa mga migranteng manggagawa sa aspeto ng kwalipikasyon sa trabaho, haba ng serbisyo, pamamahala sa pangangalaga, at sa pagsasama-sama nila sa iisang sistema ng imigrasyon. Dahil dito, may pangangailangan na magtatag ng hiwalay at malinaw na mga regulasyon sa pamamahala para sa kanila.Sa simula ng Jan 1, 2026, ipatutupad ang bagong pinagtibay ng mga “ Alituntunin sa pamamahala ng kwalipikasyon sa trabaho at permit para sa dayuhang skilled workers”, kasabay ang mga rebisyon sa mga “Alintuntunin sa pagbibigay ng pahintulot at pamamahala sa pag kuha ng mga dayuhan ng mga employer,” “ Mga Kwalipikasyon sa trabaho at pamantayan sa pagsusuri para sa mga Dayuhang manggagawang saklaw ng Artikulo 46, Talata 1, punto 8 hanggang 11 ng Employment Service Act,” at “Mga pamantayan sa proseso ng paglipat ng Employer o Trabaho ng mga dayuhang manggagawa ,” pati na rin ng iba pang kaugnay na mga regulasyon, anunsyo, at opisyal na interpretasyon, upang matiyak ang malinaw na paghihiwalay ng sistema at epektibong pamamahala.Ang bagong dumagdag na sektor ng turismo at pantalan, pinahihintulutan ang pagkuha ng dayuhang skilled workers mula sa ibang bansa at pagtaas ng sahod ng lokal na manggagawa.Sa sistema ng dayuhang skilled workers, ang dating tinatawag na [Intermediate Skilled Workers] ay pinalitan ng pangalan na [Foreign Skilled Workers]. Bukod sa mga beteranong manggagawang dayuhang may 6 na taong karanasan sa pagtatrabaho sa Taiwan at mga banyagang estudyanteng at Overseas Chinese na may associate degree pataas, bukas na rin ang direktang pagkuha sa kanila mula sa ibang bansa upang palawakin ang mapagkukunan ng talento. Pinaluwag din ang mga kategorya ng teknikal na trabaho; bukod sa dating manufacturing, construction, agrikultura, caregiving, pangngingisda, bilingual translator, chef at iba pa, nadagdag ang [Multi Companion Care Service Skilled Workers], at maaaring direktang mag-import mula sa ibang bansa ng [Hospitality Skilled Workers] at [Port Terminal Skilled Workers] upang tugunan ang aktwal na pangangailangan ng industriya.Binuksan na ngayon ang [Hospitaly Service Work], [Commercial Port Loading and Unloading Work] maaari ng diretsahang kunin ang mga dayuhan skilled workers sa ibang bansa. Ang mga employer na magtataas ng sahod ng kanilang full-time na lokal na manggagawa ay maaaring makakuha ng karagdagang puwesto para sa dayuhang skilled workers. Sa bawat isang lokal na manggagawang matataasan ng sahod, madagdagan ng isang pwesto para sa dayuhang skilled workers. Subalit, ang kabuuang bilang nito ay hindi maaaring lumampas ng 10% ng bilang ng mga manggagawang nakarehistro sa labor insurance ng kompanya.Ang pagkuha ng dayuhang skilled workers mula sa ibang bansa ay isasagawa sa pamamagitan ng Cross Border Labor Recruitment Center, na siyang mangangasiwa sa rekrutment at pagsusulit ng mga dayuhang manggagawa. Layunin nitong maisakatuparan ang direktang pagkuha ng manggagawa sa pagitan ng mga bansa at maka likha ng makatarungan at makataong kapaligiran para sa pagpasok ng mga dayuhang manggagawa.Pagluwag ng mga regulasyon sa pamamahala ng dayuhang skilled workers upang mapabuti ang karapatan sa trabaho at ang kagustuhang manatiliAyon sa Ministry of Labor, ang pagbabago ngayon ay ukol sa pagluluwag sa mga patakaran sa mga pangangalaga sa pamumuhay, tirahan, at health checkup ng mga dayuhang skilled workers. Malayang makakapumili at mag ayos ng kanilang tirahan ang mga dayuhang skilled workers. Upang magkaroon sila ng kalayaan sa kanilang pang araw araw na pamumuhay at mapalakas ang karapatan nila bilang manggagawa. Sa hinaharap, ang tungkulin ng employer sa pangangalaga sa pamumuhay ng mga manggagawa ay lilipat mula sa obligadong responsibilidad ng employer tungo sa pinagkasunduang koordinasyon sa pagitan ng manggagawa at employer. Upang makalikha ng isang maayos na lipunan, magkaroon ng mas maraming pang autonomiya sa kanilang pamumuhay at mapataas ang katatagan ng kanilang pagtratrabaho sa Taiwan pati na ang kanilang kagustuhang manatili na maaaring magbigay ugnay sa sistema para maging permanente.Ang mga dayuhang skilled workers na nasa Taiwan na may higit sa 3 taon ay bahagyang babawasan ang dalas ng pagsusuri sa kalusugan, at kailangan lamang magsagawa ng pagsusuri sa kalusugan tuwing may aplikasyon para sa pagtatrabaho. Sa pagkakataong ito, pinapaluwag ang regulasyon na nagsasaad ng regular na pagsusuri sa kalusugan sa loob ng panahon ng pagtatrabaho. Gayunpaman, ang mga dayuhang skilled workers na nagtatrabaho sa pangangalaga sa tahanan at sa iba’t ibang uri ng suportang pangkalusugan ay kailangang magsagawa ng regular na chest X-ray para sa tuberculosis at pagsusuri sa katawan bawat 3 taon. Ang pag taas na sahod sa Lokal na manggagawa sa Manufaktura ay may mas maraming quota para sa migranteng manggagawa. Pagpapaluwag sa limitasyon sa pananatili ng mga dayuhang skilled workers.Ayon sa Ministry of Labor, upang mapunan ang pangangailangan sa pangunahing tauhan sa sektor ng pagmamanupaktura at sabay na mapabuti ang mga kondisyon ng sahod para sa mga lokal na manggagawa, nagdagdag sila ng mekanismo para sa karagdagang quota sa mga manggagawang dayuhan sa pagmamanupaktura. Sa ilalim ng umiiral na 3K5 na sistema (10% hanggang 35%) at Extra na sistema (karagdagang bayad sa seguridad sa trabaho na tumataas ng 5% hanggang 20%, hanggang maximum na 40%), bawat pagtaas ng sahod ng isang lokal na manggagawa na full-time na empleyado ng employer sa sektor ng pagmamanupaktura ay nagbibigay-daan sa employer na kumuha ng isang karagdagang manggagawang dayuhan sa labas. Umiiral ang maximun na 10% quota na dagdag sa bilang ng mga manggagawa naka nakasali sa labor insurance at ang kabuuang maximum ay maaaring tumaas mula sa 40% hanggang 45%.Pinahihintulutan ang mga Employer sa Manufaktura na panatilihin ang lahat ng kwalipikadong beteranong migranteng manggagawa, itinaas ang limit na 25% to 100% para sa mga dayuhang skilled workers. At tulungan na rin ang mga employer sa paglipat ng migranteng manggagawa para maging Foreign Skilled Workers. Subalit, may 50% na kabuuang cap para sa dayuhang manggagawa upang mapanatili ang balance ng mga manggagawa na dayuhan at lokal.Ayon sa Ministry of Labor, ang anunsyo at pagbabago sa kaugnay na regulasyon ay nakabatay sa apat na pangunahing prinsipyo: [Pagbibigay-priyoridad sa karapatan ng mga lokal na manggagawa], [Pagpapalakas ng kalidad ng manggagawa], [Pagpapalawak ng pagpapanatili at pagkuha ng mga talento], at [Pagpapahusay ng bisa ng pamahalaan." Sa pamamagitan ng pagsasaayos ng sistema, sa ilalim ng saligan na mapanatili ang trabaho ng mga mamamayan, aktibong pinupunan ang pangangailangan sa manggagawa ng industriya, tinutulungan ang mga negosyo na maging sustainable, kasabay ng pagtitiyak ng karapatan ng mga lokal na manggagawa, upang makalikha ng mas mapagkumpitensya at matatag na merkado ng paggawa.