內容:
Ang pagkuha ng litrato, pagbidyo, at pag-upload sa Internet
Respetuhin ang kapwa, iwasan ang legal na problema
---------------------------------------------------------------------------------------
Kung si lola ay makunan sa live video, magkakaroon ba ng legal na problema?😲
---------------------------------------------------------------------------------------
Kung hindi nakuha ang pagpayag ng iba at sila ay nai-live o na-upload sa internet, maaari itong maging bayolasyon sa kanilang pribadong karapatan:
1.Ang pagkuha ng litrato o bidyo ng mga pribadong aktibidad, salita, konbersasyon, o pribadong parte ng katawan ng iba nang walang pahintulot, ang may sala ay mapapatawan ng hindi hihigit sa 3 taon ng pagkakabilanggo o ng fine ng NT$300,000. Kung ang krimen ay ang pag-live ng mga litrato at bidyo, sila ay mapaparusahan ng pagkabilanggo na hindi higit sa 5 taon o fine ng NT$500,000.
2.Kung ang migranteng manggagawa ay mahatulang may sala, ang kanilang Employment Permit ay mapapawalang bisa ayon sa Employment Service Law at sila ay kinakailangang umalis ng bansa sa loob ng limitadong panahon.